Iligan City, Lanao del Norte – Nagsagawa ng community outreach program ang Iligan City Police Station sa Brgy. Upper Tominobo, Iligan City, nito lamang Huwebes, Marso 3, 2022.
Ito ay dinaluhan ni Police Brigadier General Benjamin Acorda Jr, Regional Director, PRO 10 kasama ang kanyang asawa na si Mrs Olivia Acorda upang pangunahan ang outreach program kaugnay ng National Women’s Month Celebration.
Namahagi ang naturang stasyon ng 180 pares ng tsinelas at 150 pirasong iba’t ibang gamit pang eskwela.
96 bata naman ang naging benepisyaryo sa ginanap na libreng tuli.
Nagkaroon din ng magic show; feeding program; pamimigay ng laruan, kendi, tinapay at sorbetes, libreng medical check-up at libreng gamot.
Naging matagumpay ang nasabing aktibidad sa pamumuno ni Police Lieutenant Nera C Cabrera, Assistant Chief, Women’s and Children Protection Desk, kasama ang Philippine Army; City Health Office-Iligan City; Inner Wheel Iligan; Colegio de Iligan; St. Michaels College; PILMICO at Save the Children Foundation-Iligan.
Pinasalamatan din ni Police Brigadier General Acorda ang walang sawang pagsuporta ng iba’t ibang stakeholders sa mga programa ng Pambansang Pulisya.
Ang pagsasagawa ng ganitong uri ng aktibidad ay isang paraan ng kapulisan ng Iligan na paigtingin ang ugnayan sa pamayanan na kanilang nasasakupan.
####
Panulat ni Police Staff Sergeant Grace Neville L Ortiz