Gasan, Marinduque – Nagsagawa ng Community Outreach Program sa pamamagitan ng Feeding Program ang mga tauhan ng Gasan PNP sa Gawad Kalinga, Brgy. Banuyo, Gasan, Marinduque noong Hunyo 21, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan nina Police Staff Master Sergeant Leobert Arenas at Police Staff Sergeant Gretchen Moldon, Women and Children Protection Desk/Family Juvenile Gender and Development ng Gasan MPS sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Captain Antonio Berdoz, Acting Chief ng Gasan Municipal Police Station.
Pinakain nila ang mga residente ng Brgy. Banuyo na nakilahok sa aktibidad at naglecture din ang tauhan ng Gasan MPS tungkol sa RA 8353 (The Anti-Rape Law of 1997) at RA 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004) at Municipal Ordinances and Minimum health protocols para sa kanilang kaligtasan.
Kabilang sa nakilahok ang mga Lingkod Bayan Advocacy Support Groups, Kabataan Kontra Droga at Terorismo members, 4Ps members, at Brgy. Officials.
Layunin nitong maghatid ng mga pangunahing serbisyo sa mga mamamayan na nangangailangan ng tulong.
Source: Gasan Mps Pcr
###
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus