Apayao – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng Flora Municipal Police Station sa Malubibit Norte, Flora, Apayao nito lamang ika-7 ng Enero 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Captain Leonardo Ngaya-an, Officer-In-Charge, Flora Municipal Police Station katuwang ang mga barangay officials ng nasabing lugar, Faith-Based group at stakeholders.
Naipamahagi ng naturang mga grupo ang mga assorted food packs, stuff toys, vitamins at mga damit para sa mga kabataan at residente ng naturang lugar.
Bukod pa rito, nagsagawa rin ng tree planting at information drive ukol sa Campaign against Loose Firearms, Anti-Illegal Drugs at pamamahagi ng mga flyers patungkol sa Anti-Terrorism, VAWC at No to Indiscriminate Firing.
Ito ay kaugnay sa KASIMBAYANAN Program ng PNP na naglalayong ilapit ang mga serbisyo ng gobyerno sa mga tao at gayundin upang makuha ang tiwala, kumpiyansa, suporta at kooperasyon ng mga mamamayan.
Source: Flora Municipal Police Station