Enrile, Cagayan – Nagsagawa ang Enrile PNP ng Community Outreach Program sa Barangay San Antonio, Enrile, Cagayan noong Hulyo 23, 2022.
Ang aktibidad ay alinsunod sa ika-27th Police Community Relations Month Celebration na may temang “Ugnayang Pulisya at Komunidad Tungo sa Mapayapa, Maayos at Maunlad na Pamayanan”.
Ito ay pinangunahan ni Police Major Rufo Pagulayan, Chief of Police ng Enrile Police Station katuwang ang Local Government Unit ng Enrile, Rotaract Club of Tuguegarao Citadel, Rotary Club of Tuguegarao Citadel, Rotary Club ng Tuguegarao Sunshine, Provincial Health Office, Doctor to the Barrios, Sierra Falcones Cagayan Valley at Greater Northern Luzon.
Ito din ay nilahukan ng mga tauhan ng Police Regional Office 2 RCADD, Cagayan PPO PCADU, Bureau of Fire Protection, mga practitioner ng GMA-7, PTU 4 at PNA personnel ng Philippine Army, Buhay na Tagabantay ng Kapatid Ko, KKDAT San Antonio, Barangay-Based Group na pinamunuan ni Hon. Delia Aguirre, Barangay Captain, at iba pang stakeholders.
350 residente ang nakinabang sa aktibidad: 50 residente sa Libreng Gupit, 150 residente sa Feeding Program, 100 residente sa libreng Medical and Dental Mission at 50 mga bata sa paaralan ay nakatanggap ng regalo at mga hygiene kits.
Bukod dito, ang mga grupo din ay nagsagawa ng pagtatanim ng mga puno at paglilinis at iba pang serbisyo mula sa iba’t ibang stakeholders.
Ang aktibidad ay naglalayong magdala ng mga serbisyo sa mga malalayo at liblib na lugar upang tiyakin sa publiko na ang gobyerno, pribadong sektor at mga stakeholders ay nagbabahagi ng kanilang mga pagpapala sa mga lubos na nangangailangan.
Ito din ay paraan ng pagtutulungan ng bawat isa para sa maayos na pagpapatupad ng mga plano, programa, at mga hakbangin tungo sa pagkamit ng isang ligtas at masayang lugar na tirahan at trabaho.
Source: Enrile PS
###
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin