Enrile, Cagayan – Nagsagawa ang Enrile PNP ng Community Outreach Program sa Barangay Inga, Enrile, Cagayan nito lamang Hulyo 1, 2022.
Ang aktibidad ay alinsunod sa ika-27th Police Community Relations Month Celebration na may temang “Ugnayang Pulisya at Komunidad Tungo sa Mapayapa, Maayos at Maunlad na Pamayanan”.
Ito ay pinangunahan ni Police Lieutenant Precil M Morales, Deputy Chief of Police ng Enrile Police Station katuwang ang PSBRC 2009-01 Class “Masnag”, Barangay Health Workers, mga aktibong miyembro ng KKDAT at Barangay-Based Advocacy Group na pinangunahan ni Hon. Christina Cuntapay, Barangay Captain.
Nagsagawa ng diyalogo patungkol sa isyu at alalahanin ng Brgy Officials, Anti-criminality, crime prevention at safety tips para sa peace and order programs ng PNP.
Nakatanggap din ng libreng pagkain ang lahat ng dumalo pagkatapos ng isinagawang Zumba Activity sa nabanggit na barangay.
Layunin nitong matulungan ang mga mamamayan sa kanilang pangangailangan, mapalakas ang pangangatawan para maiwasan ang malnutrisyon at sakit na maaaring idudulot ng pandemya.
Source: Enrile Pcr
###
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin