Pateros – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang kapulisan ng District Mobile Force Battalion ng Southern Police District sa Sto. Rosario Elementary School sa Pateros bandang 8:30 ng umaga nito lamang Sabado, Agosto 27, 2022.
Ang aktibidad ay naisakatuparan sa pamamagitan ng tauhan ng Battalion Community Affairs Section at Retooled Community Support Program sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Jay Calimlim Dimaandal, Officer-In-Charge ng DMFB.
Nakilahok din ang mga guro sa programa sa pamumuno ni Principal Marieta Junio sa pamimigay ng foodpacks at bitamina kung saan 50 ang kanilang naging benepisyaryo na kinabibilangan ng mga magulang at kinder sa nasabing paaralan.
Nagsagawa rin ng lecture on awareness tungkol sa ilegal na droga, karapatan ng mga bata, Crime Prevention Tips at E.O. 70 na kilala rin bilang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.
Layunin ng programang ito ng pulisya na paigtingin at pagtibayin ang ugnayan sa komunidad na nakapaloob sa M+K+K=K o Malasakit + Kaayusan + Kapayapaan = Kaunlaran.
Source: Dmfb Spd
###
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos