Cotabato City – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng Cotabato City Police Office katuwang ang mga miyembro ng Taga Cotabato Ka Kung Incorporation sa pamamagitan ng programang “Adopt a Madrasah” sa mga estudyante ng Madrasah Dilumuyod sa Brgy. Tamontaka 3, Cotabato City nitong Hulyo 24, 2022.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Police Captain Mustapha Usman, Deputy Chief ng City Community Affairs and Development Unit sa pamumuno ni Police Colonel Querubin Manalang Jr., Officer-in-Charge, CCPO katuwang ang Taga Cotabato Ka Kung Incorporation na pinangunahan ni Ms Cathleya Diocolano, Cotabato City Mobile Force Company, 1404th Regional Mobile Force Company at Cotabato Explosive Ordnance Disposal and Canine Group.
Ayon kay PCapt Usman, ang aktibidad ay kaugnay ng selebrasyon sa ika-11 Anibersaryo ng TCKK at ika-27 Police Community Relations Month na may temang “Ugnayang Pulisya at Komunidad Tungo sa Mapayapa, Maayos at Maunlad na Pamayanan”.
Dagdag pa, kabilang sa programa ay ang pamamahagi ng school supplies, food packs at mga laruan.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa pagbibigay ng magandang serbisyo sa mga mamamayan upang mas lalong pagtibayin ang ugnayan ng PNP at ng komunidad.
Source: Cotabato City Police Office
###
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz