Cagayan de Oro City – Matagumpay na isinagawa ng Cagayan de Oro City Police Office-Station 4 at City Mobile Force Company ang Community Outreach Program na may temang “Ang Pamilya planado, protektado” na idinaos sa Covered Court ng Brgy. Bonbon, Cagayan de Oro City noong Mayo 23, 2022.
Ang programa ay pinangunahan ni Police Chief Master Sergeant Cherly Tagbo, City Community Affairs Development Unit at Police Senior Master Sergeant Kenneth Montaño katuwang ang CDO-Police Station 4; KUSGAN Volunteers Inc.; POPCOM; Climbs Care; Coop Life General Insurance and Financial Service Agency at Strong Radio 90.3
Nagkaroon ng Lecture tungkol sa RA 9262 o Anti-Violence against Women and their Children Act of 2004.
Mahigit 60 na bata ang nabigyan ng libreng sumbrero, coloring book at naturuan sa Mobile Library na hatid ng City Mobile Force Company.
Naging matagumpay ang nasabing aktibidad dahil sa partipasyon at tulong ng mga tauhan ng CDO PNP, Volunteers at Stakeholders.
Ang ganitong uri ng aktibidad ng Cagayan de Oro PNP ay paraan upang mapaigting ang ugnayan ng PNP at komunidad.
###
Panulat ni Joshua Fajardo/ RPCADU 10