Calumpit, Bulacan – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang Calumpit PNP sa mga residente na nasunugan sa Barangay San Marcos, Calumpit, Bulacan nito lamang Biyernes, Agosto 5, 2022.
Ito ay pinamunuan ni Police Lieutenant Colonel Rodelisa P San Buenaventura, Chief of Police ng Calumpit Municipal Police Station, Bulacan Police Provincial Office kasama si Ginang Rosalina P. Yanga, President ng Konsehong Pambayan para sa Kababaihan ng Calumpit.
Tinatayang 50 na residente na nasunugan noong Hulyo 31, 2022 sa nasabing lugar ang nahandugan ng bigas, noodles, damit, tsinelas at sapatos.
Ayon pa kay PLtCol San Buenaventura, labis ang pasasalamat ng mga benipisyaryo sa natanggap nilang tulong galing sa PNP.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa pagbibigay ng magandang serbisyo sa mga mamamayan para mapagtibay ang ugnayan ng PNP at ng komunidad.
Source: Calumpit Municipal Police Station
###
Panulat ni Police Corporal Jeselle V Rivera