Calatrava, Romblon – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng Calatrava PNP sa Brgy. Linao, Calatrava, Romblon nito lamang Lunes, Hunyo 27, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Nanette Pablico, Officer-in-Charge ng Calatrava Municipal Police Station, kasama ang kanyang mga tauhan, at miyembro ng Lingkod Bayan Advocacy Support Groups tulad ng Women Sector, Kabataan Kontra Droga at Terorismo, Faith-Based Group, LGBTQ at mga Barangay Officials.
Umabot sa 60 na mga bata at kasama ang kanilang mga magulang ang napakain ng grupo sa nasabing barangay na lubos naman pasasalamat ng mga ito sa natanggap nilang pagkain.
Ang aktibidad ay naglalayong magbigay ng mahahalagang pangangailangan sa komunidad sa panahong ito ng pandemya at maging halimbawa ng panlipunang responsibilidad sa pamamagitan ng pagbabalik at pagtulong sa bawat isa.
Layunin nitong maghatid ng mga pangunahing serbisyo sa mga mamamayan lalo na sa mga kabataan.
Tunay na ang PNP ay handang tumulong sa anumang paraan at sa abot ng kanilang makakaya upang magbigay serbisyo sa ating mga kababayan.
Source: Calatrava Mps Pcr
###
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus