Talisay, Batangas – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang CALABARZON PNP sa Brgy. Tumaway, Talisay, Batangas nito lamang Huwebes, Agosto 25, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Ledon Monte, Force Commander ng Regional Mobile Force Battalion 4A katuwang sina Police Colonel Meliton A. Salvadora Jr. Chief, Regional Community Affairs and Development Division 4A; Police Lieutenant Colonel Owen Banaag, Officer-In-Charge ng Regional Police Community Affairs and Development Unit 4A; Police Lieutenant Maria Ailyn Franca, Curao Team Leader; Police Major Elmer Aguila, Chief of Police ng Talisay Municipal Police Station; Mr. Miguel Bermido, President ng Rotary Club of Legazpi Makati Chapter; Mr. Budda Natanauan, President ng Talisay Eagles Club; at Local Government Unit ng Talisay.
Tinatayang 200 residente ang nakatanggap ng food packs at sanitary hygiene kits.
Tinalakay din ang Republic Act 9262 o Anti-Violence Against Women and Children Act at Executive Order 70 o National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.
Layunin nitong maghatid ng pangunahing serbisyo lalo na sa mga mamamayang lubos na apektado ng pandemya at iparamdam ang malasakit ng gobyerno na mapanatili ang kaligtasan, kaayusan at kapayapaan tungo sa kaunlaran.
###
Panulat ni Patrolman Louviemer Julian/RPCADU 4A