Umarangkada ng Community Outreach Program ang Cabatuan PNP sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Arturo Cachero na ginanap sa Sitio Biluca, Brgy. Centro, Cabatuan, Isabela noong ika-15 ng Oktubre 2023.
Katuwang sa aktibidad ang Citizen Initiative Support Riders Group Inc. sa pangunguna ni Mr. Kelvin Balmilero.

Isinagawa ang aktibidad sa pamamagitan ng Gift Giving at Feeding Program na ikinagalak at ipinagpasalamat ng mga residente sa naturang barangay.
Nabigyan ng munting regalo ang ibang senior citizen na walang kakayahang maglakad at makapaghanap-buhay kaya naman laking pasalamat ng punong barangay na napili ang kanilang lugar na maging benepisyaryo ng naturang aktibidad.

Hinimok naman ng kapulisan ang mga magulang na dumalo at makiisa sa mga programa ng kapulisan para sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa komunidad.
Sa pamamagitan nito, mas magiging ligtas ang mga kabataan at mas magiging masaya ang pamumuhay sa naturang barangay.
Source: Cabatuan PS
Panulat ni PSSg Jerlyn V Animos