Oriental Mindoro – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng Bulalacao Municipal Police Station sa Balatasan Elementary School, Brgy. Balatasan, Bulalacao, Oriental Mindoro noong Oktobre 7, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Bulalacao Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Captain Bobby Tesalona, Officer-In-Charge ng Bulalacao MPS.
Namahagi ang ating kapulisan ng pagkain, grocery, food packs, hygiene kits, at parlor games sa mga mag-aaral.
Labis ang tuwa at pasasalamat ng mga ito sa natanggap nilang mga pagkain, grocery at iba pa mula sa kapulisan ng Bulalacao MPS.
Ang ating kapulisan ay patuloy na magbibigay ng magandang serbisyo sa mamamayan at mapaigting ang ugnayan ng PNP at komunidad.
Source: Bulalacao MPS
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus