Tagbilaran City, Bohol – Matagumpay na isinagawa ng mga tauhan ng Bohol Police Provincial Office ang Community Outreach Program sa City Square, CPG Avenue, Tagbilaran City, Bohol nito lamang ika-21 ng Setyembre 2022.
Ang aktibidad ay aktibong pinangunahan ng mga kawani ng Bohol Police Provincial Office sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Joseph Puyod Berondo, Chief, PCADU katuwang ang Bureau of Fire Protection, Liberty Bible Baptist Church, Tagbilaran City Police Station, Provincial Mobile Force Company.
Sa naturang aktibidad ay mahigit sa 150 na mga bagong tsinelas, libreng lugaw, mga damit, at dunkin donuts ang ipinamahagi ng naturang grupo.
Kasabay ng pamamahagi ng tulong ay nagbigay rin ng kasiyahan ang grupo sa pangunguna ng BPPO Tarsius Band, PNP Beatbox King at ni Police Chief Master Sergeant Janew Villame, ang apo ng legendary na si Yoyoy Villame.
Layunin ng aktibidad na makapagbigay ng tapat na serbisyo sa mamamayan at maipadama ang malasakit at pagmamahal ng Pambansang Pulisya upang mas tumibay ang magandang ugnayan ng kapulisan at mamamayan.
Panulat ni Patrolman Carl Philip Galido