Tagbilaran City, Bohol – Matagumpay na nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng Bohol Police Provincial Office sa Plaza Rizal, Tagbilaran City, Bohol nito lamang Lunes, ika-25 ng Hulyo 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Joseph Puyod Berondo, Chief, PCADU, na direktang pinangangasiwaan ni Police Colonel Osmundo Dupagan Salibo, Provincial Director, BPPO, katuwang ang Philippine Dental Association Bohol Chapter sa pangunguna ni Dr. Shiela Yana Mantilla at ang KKDAT Tagbilaran City.
Ayon kay Police Colonel Salibo, kasabay ng pamimigay ng mga pagkain, namigay rin sila ng mga tsinelas para sa mga bata at gayon rin sa mga Tricycle Drivers at mga Commuters ng lugar.
Lubos naman ang tuwa at pasasalamat ng mga naging benipisyaryo sa kanilang natanggap na pagkain at mga bagong tsinelas mula sa Bohol PNP at sa mga nakiisa sa aktibidad.
Dagdag pa ni Police Colonel Salibo, ang naturang aktibidad ay kabilang sa kanilang pakikiisa sa ika-27th Police Community Relations Month Celebration.
Ang naging hakbangin ng BPPO katuwang ang mga nakiisa sa aktibidad ay nagpapatunay na ang Pambansang Pulisya ay hindi titigil sa pamimigay ng mga tulong at pagpaparating sa mamamayan ng tunay na malasakit ng Pambansang Pulisya.
###