Calape, Bohol – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga miyembro ng Bohol Maritime Police Station sa Brgy. Mantata-O Island, Calape, Bohol nito lamang Huwebes ng umaga, Mayo 26, 2022.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Lucio Vergara Jr. Station Chief ng Bohol Maritime Police Station, katuwang ang Brgy. Mantata-O Island Health worker at iba’t ibang volunteer’s ng nasabing lugar.
Ayon kay Police Lieutenant Vergara, tinatayang nasa 50 mga bata ang nakatanggap ng mainit at masustansyang sopas.
Isang patunay na ang PNP ay palaging handa sa pagtulong, paglilingkod at pagprotekta sa mga bata mula sa anumang anyo ng pang-aabuso, karahasan at kalamidad.
###
Panulat ni Patrolwoman Jenilyn C Consul