Camiling, Tarlac – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang 2nd Tarlac Provincial Police Office sa Bureau of Jail Management and Penology, Camiling, Tarlac nito lamang Sabado, Hunyo 18, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Franklin Palaci Estoro, Force Commander ng 2nd PMFC, Tarlac PPO kapartner ang BJMP Camiling, Grand Manila District, Maagap Manila Eagles, The Grand Fraternal Order of Philippine Eagles at Samahang Ilocano, Camiling, Tarlac Chapter.
Mahigit 100 na preso ang nahandugan ng libreng pansit.
Bukod dito, namigay din ng mga pares ng tsinelas sa nasabing kulungan.
Ayon kay PLtCol Estoro, lubos na nagpapasalamat ang mga Person’s Deprived of Liberty sa PNP sa tulong na naibigay sa kanila.
Layunin ng aktibidad na mapagtibay ang ugnayan ng PNP at sa mga taong nakakulong para iparamdam na may gobyernong handang magmalasakit at tumulong sa kanila.
###
Panulat ni Police Corporal Jeselle V Rivera