Echague, Isabela – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company sa Barangay Babaran, Echague, Isabela noong ika-29 ng Mayo, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Dennis Pamor, Force Commander ng 2nd Isabela PMFC at nilahukan ng mga estudyante ng Isabela State University College of Law, Cauayan City Campus sa pamumuno ni Judge Raul Babaran, Dean College of Law at Attorney Paul Mauricio at Barangay Officials ng nasabing barangay sa pamumuno ni Kapitan Alvaro Verdadero.
Nagkaroon ng libreng legal consultation, libreng gupit sa 125 na residente, 280 food packs para sa 15 indigent family at 150 sambahay ang nakatanggap ng vegetable seedlings.
Bukod dito ay inilunsad din ang Project ACT-WIN o Anti Criminality and Terrorism Warning Information Network sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga lecture tungkol sa R.A. 8353 o Anti Rape Law, R.A. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse and Exploitation Discrimination Act, at ang panlilinlang ng Komunistang CPP-NPA-NDF sa mga kabataan, pagsasagawa ng oplan tambuli, pamamahagi ng flyers, at house to house visitation.
Hinikayat ng PNP ang mga mamamayan na suportahan ang lahat ng programa ng pamahalaan tungo sa kaayusan at katahimikan ng komunidad.
Source: 2nd Isabela Provincial Mobile Force Company
###
Panulat ni Police Corporal Carla Mae P Canapi