Tawi-Tawi – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang 1st Special Operations Unit-Maritime Group sa Bohe Basag Elementary School, Bongao, Tawi-Tawi nitong Hunyo 13, 2022.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel John Paul Tovera, Commander, 1st SOU, ang naturang aktibidad ay kaugnay ng ika-124 Araw ng Kalayaan.
Dagdag pa, kabilang sa mga isinagawang aktibidad ay ang feeding program at pamamahagi ng impormasyon kaugnay ng Republic Act 9262 o ang Anti-Violence against Women and their Children.
Naging katuwang ng 1st SOU-Maritime Group ang mga guro mula sa Bohe Basag Elementary School sa pamumuno nina Ma’am Nuradina Abduljabul, School Principal at Ma’am Shalimar Adin.
Isinagawa din ang pagwawagayway ng watawat bilang paggunita sa Araw ng Kalayaan.
Layunin ng PNP na mag-abot ng serbisyo sa mga mamamayang nangangailangan ng tulong upang mapanatili ang nasimulang magandang ugnayan.
###
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz