Palawan – Nakiisa ang mga kapulisan ng 1st Palawan Provincial Mobile Force Company sa isinagawang Community Outreach Program sa Brgy. Calumpang, Quezon, Palawan noong ika-14 ng Marso 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Local Government Unit ng Quezon katuwang ang mga kapulisan ng 1st Palawan Provincial Mobile Force Company sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Eldie Bantal, Force Commander ng 1st Palawan PMFC kasama ang mga tauhan ng Quezon MPS, Philippine Marine, BFP, at Maritime Police.
Ang aktibidad na ito ay kaugnay sa pinagdiriwang na Women’s Month Celebration na may temang “WE for Gender Equality and Inclusive Society”.
Namahagi ang grupo ng libreng gupit, libreng tuli, dental check-up, feeding program at libreng gamot sa nasabing barangay.
Layunin ng aktibidad na magbigay kasiyahan at ipadama na ang kapulisan ay laging handang tumulong at magbigay kaalaman sa ating lipunan sa ika-uunlad ng bayan.
Kaugnay din nito ang pagkilala na isulong ang pantay-pantay na karapatan para sa mga kababaihan upang maipakita ang malaking papel sa ating lipunan ngayong buwan ng kababaihan.
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus