Kalinga – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng 1st Kalinga Provincial Mobile Force Company sa Pinococ Elementary School, Brgy. Pinococ, Pinukpuk, Kalinga nito lamang ika-14 ng Marso 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Major Ham Banag, Acting Force Commander, katuwang ang Company Advisory Group (CAG) sa pangunguna ni Pastor Tolino, Department of Education, Pinococ Elementary School, Barangay Local Government Unit, mga mag-aaral, guro at stakeholders.
Tinalakay sa aktibidad ang Anti-Insurgency Campaign bilang pagsuporta sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), Anti-Illegal Drug Campaign kaugnay sa Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) programa ng DILG, Revitalized PNP KASIMBAYANAN (Kapulisan, Simbahan, Pamayanan) Program kung saan nabigyan ng orientation sa public safety and crime prevention programs ng PNP particular sa RA 9262 (Violence Against Women and their Children Act of 2004), RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Anti-Terrorism Acts, The Child and Youth Welfare Code (PD 603), The Anti-Bullying Act (RA 10627), mga tungkulin ng isang batang Pilipino, at pamamahagi ng IEC materials.
Nagsagawa din ng gift-giving, feeding activity, spiritual enrichment, signature campaign at free haircut sa lahat ng mga lumahok kasunod ng pamamahagi ng school supplies sa 124 na mag-aaral at office supplies para sa paaralan.
Ito ay kaugnay sa programa sa peace and security framework ni CPNP na M+K+K=K (Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan, tungo sa Kaunlaran) at sa paglulunsad ng Revitalized PNP KASIMBAYANAN Program na naglalayong matulungan ang ating mga kababayan na lubos na nangangailangan.
Source: 1st Kalinga Provincial Mobile Force Company