Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng 1004th Maneuver Company, Regional Mobile Force Battlion 10 sa Tig-ason Elementary School, Talakag, Bukidnon nito lamang ika-15 ng Enero 2024.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Police Captain Dandrick Jonne Ranile, Company Commander ng 1004th Maneuver Company, RMFB 10 katuwang ang Jesus is Christ Lord Church, 1004th MC Advisory Council at si Mayor Jean Suzette U. Macayapag.

Namahagi ng school supplies at snacks at nagkaroon ng parlor games para sa mga mag-aaral ang mga naturang grupo.

Mahigit 240 na benepisyaryo ang masayang nakilahok sa isinigawang PNP Community Outreach Program.
Sa pamamagitan ng nasabing aktibidad, ipinakita ng PNP ang dedikasyon sa pangangalaga at proteksyon sa kapakanan ng mga kabataan sa kanilang nasasakupan.