Enrile, Cagayan – Nagsagawa ang Enrile PNP ng Community Outreach Program sa Barangay Inga, Enrile, Cagayan nito lamang Hulyo 9, 2022.
Ang aktibidad ay alinsunod sa ika-27th Police Community Relations Month Celebration na may temang “Ugnayang Pulisya at Komunidad Tungo sa Mapayapa, Maayos at Maunlad na Pamayanan”.
Ito ay pinangunahan ni Police Lieutenant Precil M Morales, Deputy Chief of Police ng Enrile Police Station kasama ang mga miyembro ng Philippine Army sa pamumuno ni LTC Rosalinda P Callang, RES Battalion Commander, 201 RRIBn at Barangay-Based Group na pinangunahan ni Hon. Christina Cuntapay, Barangay Captain.
Nagkaroon ng barangay visitation at dayalogo sa mga opisyales ng barangay patungkol sa health protocols at vaccination program laban sa COVID-19, mga tungkulin ng BPATs laban sa kriminalidad at sinubaybayan ang barangay blotter kaugnay sa Barangay Justice System/Conflict.
Nagsagawa din ng diyalogo at pamimigay ng flyers sa mga magulang o kasambahay patungkol sa Sexual Abuse, Anti-Rape Law, Anti-Trafficking, Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004, Anti-Bastos Law at Anti-Terrorism sa mga kabataan.
Nakatanggap din ng libreng pagkain ang lahat ng dumalo at 15 indibidwal din ang nakatanggap ng libreng-gupit.
Layunin nitong maghatid ng mga pangunahing serbisyo sa mga mamamayan upang madama nila na ang pamahalaan ay nagmamalasakit sa kanilang kapakanan at seguridad.
Source: Enrile Pcr
###
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin