Negros Occidental – Naglunsad ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng Pontevedra Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Hancel P Lumandaz, Acting Chief of Police sa mga residente ng Sitio Cambarus, Brgy. Antipolo, Pontevedra, Negros Occidental nito lamang ika-25 ng Agosto 2022.
Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ng Sangguniang Kabataan katuwang ang Brgy. Officials, Stakeholders, youth sector at women’s organization.
Matagumpay na naipamigay ang mga food packs kasabay ng feeding program at talakayan tungkol sa Community Awareness sa mga mamamayan ng nasabing lugar.
Ang matagumpay na pagsasagawa ng nasabing programa ay bunga ng maayos na ugnayan ng PNP at ng mamamayan para sa kaayusan at kapayapaan sa komunidad.
###