Antequera, Bohol – Naglunsad ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng Antequera PNP sa Brgy. Villa Aurora, Antequera, Bohol nito lamang Huwebes, Hulyo 21, 2022.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng mga kababaihan ng Antequera Police Station sa direktang pangangasiwa ni Police Lieutenant Johnrey Cutin Digao, Chief of Police katuwang ang mga Barangay Officials ng nasabing lugar.
Tampok sa naturang aktibidad ang pagtalakay sa karapatan ng mga bata at kababaihan upang tulungan silang maprotektahan mula sa mga pang-aabuso at pagsasamantala.
Bukod pa dito, namigay din ng mga school supplies at candies para sa mga batang nakilahok.
Layunin ng PNP Project VIBES/BES na isulong ang kamalayan ng mga bata sa mga hindi kanais-nais na epekto ng bullying, kampanya laban sa kriminalidad at ilegal na droga upang tulungan silang maging mabuti at responsableng mamamayan.
Tinitiyak ni Police Lieutenant Digao na patuloy ang Antequera Police Station sa paglilingkod at paghahatid tulong at saya sa mga residente lalong lalo na sa mga kabataan ng kanilang nasasakupan.
###
Panulat ni Patrolman Aivan Guisadio