Pampanga – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang Mabalacat City PNP sa mga residente ng Sitio Malupa, Barangay Calumpang, Mabalacat City, Pampanga nito lamang Linggo, ika-08 ng Oktubre 2023.

Ang naturang aktibidad na pinamumunuan ni Police Lieutenant Colonel Alfredo Canlas, Acting Chief of Police ng Mabalacat City Police Station katuwang ang Rotary Club Clark, Mabalacat City, at Kabataan Kontra Droga at terorismo (KKDAT).
Umabot sa 100 na residente ang nahandugan ng libreng school supplies, grocery packs, gardenia loaf bread, hygiene kits at feeding program.

Samantala, nakiisa sa paghahatid ng tulong si Police Lieutenant Colonel Soledad Elefanio sa ating mga kababayan kasabay ng pagdiriwang ng kaniyang Araw ng Kapanganakan.
Nagbigay ngiti at kasiyahan sa mga residente ang ibinigay na tulong at paghahatid ng serbisyo ng Mabalacat City PNP upang mas mapagtibay ang magandang ugnayan ng PNP at pamayanan.
Source: Mabalacat City Police Station
Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera