Bulacan – Tuloy-tuloy ang pag-arangkada sa paghahatid ng serbsiyo ng Bulacan PNP sa pamamagitan ng Community Outreach Program sa mga residente ng Pandi Village, Pandi, Bulacan nito lamang Lunes, ika-24 ng Hulyo 2023.
Ito ay pinangasiwaan ni Police Colonel Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office.
Umabot sa 500 ang naging benepisyaryo sa feeding program, pamimigay ng bigas, delata, libreng gupit, livelihood training program at medical mission.
Nagbahagi din ng kaalaman ang mga awtoridad patungkol sa Anti-Illegal Drug Awareness lecture at tinalakay din ang Executive Order No.70 National Task Force to End Local Communist Armed Conflict na kaugnay ito sa pagdiriwang ng 28th Police Community Relations Month na may temang “Serbisyong Nagkakaisa para sa Ligtas at Maunlad na Pamayanan”.
Patuloy ang Bulacan PNP sa pagsisikap na maipatupad ang mga iba’t ibang programa para sa kanilang nasasakupan at mas mapagtibay ang ugnayan ng PNP at pamayanan.
Source: Bulacan Police Provincial Office
Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera