Alicia, Isabela – Matagumpay na nagsagawa ng Community Outreach Program at Gender-Based Violence Lecture ang Isabela PNP sa Barangay Linglingay, Alicia, Isabela noong Hulyo 18, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Noralyn D Andal, C, FJGAD/PIS/IORC, Isabela Police Provincial Office, Police Major Babyrose P Cajulao, C, FJGAD/PIS/IORC, RCADD, Alicia Police Station, Rural Improvement Club at lokal na pamahalaan.
Ayon kay PMaj Cajulao, ang aktibidad ay kaugnay pa din sa ika-27th Police Community Relations Month Celebration na may temang “Ugnayang Pulisya at Komunidad Tungo sa Mapayapa, Maayos, at Maunlad na Pamayanan”.
Nagbahagi ng kaalaman si Ms. Gladys Ragasa patungkol sa RA 11642 o “Act Strengthening Alternative Child Care by Providing for an Administrative Process of Adoption” at lecture sa Gender Based Violence, RA 9262 o “Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004” (VAWC) at Safety Tips para iwas RAPE na binahagi din ni PMSg Elinor Reyno, Admin PNCO.
Umabot naman sa 60 food packs; 50 hygiene kits at 50 pares ng tsinelas ang naipamahagi sa mga residente.
Ang aktibidad na ito ay pinasimulan bilang suporta sa IPPO Project EVA (End VAWC, Rape, Act Now) para sa empowerment ng kababaihan at kabataan at “Juana Talk to Me” na nakapaloob sa ilalim ng Women, Peace, and Security Project na “Juana” na nakaangkla sa Magna Carta for Women (RA 9710).
Layunin ng aktibidad na ito na pakilusin at organisahin ang sektor ng kababaihan partikular ang mga nabanggit na sektor na makakatulong sa komunidad.
Source: Alicia PS
###
Panulat ni Police Corporal Jermae D Javier