Lazi, Siquijor – Matagumpay na isinagawa ng mga tauhan ng Lazi PNP ang Community Outreach Program at Oplan Bisita Eskwela sa Ytaya Elementary School nito lamang Biyernes, ika-21 ng Oktubre 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Lazi Municipal Police Station sa pangangasiwa ni Police Lieutenant Roberto Anulacion, Acting Chief of Police kasama ang mga values life coaches na sina Pastor Fabio Artjao, Pastor Ambrosio Momo at Mr. Ronnie Omandam ng Faith-Based Advocacy Support Group.
Pinamahagi ng mga naturang grupo ang mga pagkain na lubos naman na kinatuwa ng nasa 50 na mag-aaral ng Ytaya Elementary School.
Hangad ng Pambansang Pulisya na sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Kapulisan, Simbahan at Pamayanan ay matulungan, magabayan at maprotektahan ang mga kabataan na siyang pag-asa ng ating bayan.