Maguindanao del Sur – Nagsagawa ng Community Outreach Program at Medical Mission ang Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region na ginanap sa Brgy. Sambolawan, Datu Salibo, Maguindanao del Sur nito lamang ika-19 ng Oktubre 2023.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Jemuel Siason, Chief of Regional Staff, sa pangangasiwa ni Police Brigadier General Allan Nobleza, Regional Director ng PRO BAR, katuwang ang Maguindanao del Sur Police Provincial Office, Regional Medical and Dental Unit BAR, at Provincial Government ng Maguindanao del Sur.

Lubos naman ang pasasalamat ng humigit-kumulang 1,000 residente sa lugar dahil sa kanilang serbisyong natanggap kabilang dito ang pamamahagi ng relief goods, medical check-up, dental mission, libreng tuli, at libreng gupit.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong maipadama sa ating mga kababayang lubos na nangangailangan ang pagmamahal ng pamahalaan tungo sa isang maayos at mapayapang pamayanan.
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz