Benguet – Nagsagawa ng Outreach Program at Medical Mission ang mga tauhan ng Regional Police Community Affairs & Development Unit Cordillera sa Brgy. Poblacion, Atok, Benguet nitong ika-28 ng Enero 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Louisito Meris, Chief RPCADU-COR katuwang ang Atok Municipal Police Station na pinamumunuan ni Police Captain Arnel Abellera.

Kasama rin ang ilang tauhan ng Regional Community Affairs & Development Division, Regional Mobile Force Battalion 15, Benguet Police Provincial Office na pinangunahan ni Police Colonel Damian Olsim, Provincial Director at Benguet 1st Provincial Mobile Force Company.
Gayundin, dinaluhan din ng mga opisyales ng Atok sa pangunguna ni Hon. Franklin Smith, Municipal Mayor at Hon. Arthur Vargas, Punong Barangay.

Mahigit 510 ang nakinabang sa naturang aktibidad: 300 na mag-aaral ang nabigyan ng bag na naglalaman ng mga school supplies, 100 regalo o birthday gifts para sa mga birthday celebrants, 100 nabigyan ng libreng serbisyong medical gaya ng Medical Check-up, ECG at Laboratory testing, at 10 bata ang nabigyan ng regalo.
Nagpamalas naman ng kanilang husay sa pag-awit at pagtugtog ng instrumento ang Peace Maker Band para aliwin ang mga residente at dumalo.
Nagpamalas rin ng isang sayaw o Cultural Dance Presentation ang mga piling residente.

Gayundin, bawat pinuno ay nagbigay mensahe at pasasalamat sa lahat ng nakibahagi at tumulong. Pagkatapos, lahat ay nagsalo-salo sa pagkain na inihanda ng mga awtoridad.
Ang naturang proyekto at programa ng RPCADU Cordillera ay hindi magiging matagumpay kung wala ang tulong financial mula sa Filinvest Ayala, Alabang, Muntinlupa na pinamumunuan ni Miss Venus Yap.
Lubos naman na nagpapasalamat ang mga kababayan natin sa nasabing lugar sa programang hatid sa naka-angkla sa mantra ng CPNP na Serbisyong Nagkakaisa.
Panulat ni PSSg Lhenee Valerio