San Juan City — Nagsagawa ng Community Outreach Program at Clean-up Drive ang mga tauhan ng San Juan City Police Station sa 21 na Barangay ng San Juan City nito lamang Biyernes, Nobyembre 18, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Elpidio A Ramirez, Chief of Police, kasama ang mga tauhan ng Station Community Affair Section sa pangunguna ni Police Major Darius R Agmaliw, Chief, SCAS, at mga tauhan ng Sub-Station 1 to 7.
Aktibong nilahukan ito ng 184 na Intern Criminology Students mula sa University of Manila kasama ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) sa pangunguna ni Yves Laurent Del Rosario, mga Force Multipliers (Brgy. Ex-Os) at Association of Pastors for Outreach and Intercession (A.P.O.I.).
Nagkaroon ng accounting at briefing ng mga kalahok sa Museu El Deposito, Pinaglabanan, San Juan City, kung saan sila ay hinati-hati upang italaga sa 21 na barangay ng lungsod upang sama-samang nilang linisin ang mga lugar sa lungsod.
Namahagi din ng school supplies sa 50 na napiling mga estudyante kasabay ng pagbibigay ng mainit na lugaw.
Layunin nitong mapanatili ang kaayusan at kalinisan ng kapaligiran na magdudulot ng magandang epekto sa komunidad at maipadama ang pagmamalasakit sa kapaligiran na isang paraan upang mapangalagaan ang ating Inang Kalikasan.
Ang adbokasiyang ito ng San Juan CPS ay bahagi ng nagkakaisang programa ng buong hanay ng PNP na MKK=K (Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran) at isinusulong na mantra nito na “Life is Beautiful…Kaligtasan nyo, sagot ko! Tulong-tulong tayo.”
Source: Sanjuancity Pulis
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos