Putatan, Muntinlupa City — Nagsagawa ng Community Outreach at Livelihood Program ang District Community Affairs and Development Division ng Southern Police District sa Marquez CMPD, PNR Site, Barangay Putatan, Muntinlupa City bandang ala-una ng hapon nito lamang Miyerkules, Hulyo 20, 2022.
Ang naturang programa ay pinangunahan ni PLtCol Jenny DC Tecson, Acting Chief, DCADD kasama ang mga tauhan ng Muntinlupa CPS, RMFB, at RPIO.
Dinaluhan din ito ng Rotary Club of New Manila Heights sa pamumuno ng Club President na si PBGen Nicolas D Torre III.
Ito’y kaugnay sa pagdiriwang ng ika-27th Police Community Relations Month na may temang “Ugnayang Pulisya at Komunidad Tungo sa Mapayapa, Maayos at Maunlad na Pamayanan”.
Tinatayang may 100 na benipisyaryo ang nahandugan ng foodpacks at libreng lugaw, at 40 na kalalakihan naman ang nahandugan ng libreng gupit.
Nagkaroon din ng Drug Awareness at ELCAC lecture na sinundan ng isang Livelihood Program, parlor games at story telling sa mga bata.
Layunin ng programang ito ng PNP na mapagtibay ang ugnayan ng mamamayan at kapulisan para mapanatili ang ligtas, tahimik at maayos na komunidad at magkaroon ng isang maunlad na pamumuhay.
Source: DCADD SPD
###
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos