Cebu – Isang Community Outreach program sa pamamagitan ng Feeding Activity ang isinagawa ng mga tauhan ng Alegria Municipal Police Station para sa mga Construction Workers ng Munisipalidad ng Alegria nito lamang Oktubre 06, 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng naturang istasyon sa pangangasiwa ni Police Captain Alexius Tangub, Chief of Police ng Alegria Municipal Police Station.

Tampok sa naturang aktibidad ang pamamahagi ng libreng champorado na siyang ipinagpasalamat at lubos na nakapagbigay saya sa mga naturang benepisyaryo.
Layunin nito na palakasin pa ang ugnayan ng komunidad at pulisya sa ilalim ng 5-Focused Agenda ng hepe ng Pambansang Pulisya, PGEN BENJAMIN C ACORDA JR., para sa mas maunlad at maayos na pamayanan.