Dalaguete, Cebu – Naglunsad ng Community Outreach Program ang Dalaguete Municipal Police Station sa Dalaguete, Cebu nito lamang Miyerkules, ika-26 ng Oktubre 2022.
Ang naturang programa ay namahagi ang mga tauhan ng istasyon ng mga gulay mula sa Sugbusog sa Estasyonan Garden.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Major Gilfred Baroman, Chief of Police, katuwang ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) – Dalaguete Chapter na nagsagawa ng pag-aani ng mga gulay mula sa Sugbusog sa Estasyonan Garden.
Ang Sugbusog Garden ay isang organic gardening na itinayo ng Dalaguete PNP upang makatulong sa mga residente ng kanilang mga nasasakupan na lubos na nangangailangan. Ipinaalam din ng mga kapulisan sa mga mamamayan na ang organic farming ay nakakatulong sa pagpapagaan ng greenhouse effect, global warming at pagbabago ng klima.
Ang aktibidad ay alinsunod sa programa ng ating CPNP na Peace and Security Framework na MKK=K o ang Malasakit, Kaayusan at Kapayapaan tungo sa Kaunlaran at PNP KASIMBAYANAN o Kapulisan, Simbahan at Pamayanan ay naglalayong palakasin ang Peace and Order, gayundin sa 4Cs Strategic Framework ng PRO7 na Connection, Critical Thinking, Capability Enhancement at Cleansing.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa pagbibigay ng magandang serbisyo sa mga mamamayan upang mapagtibay ang ugnayan ng PNP at komunidad.