Pasig City – Nagsagawa ng isang “Community Makeover, Manpower Bayanihan” ang Pasig City Police Station sa pangunguna ni PLt Resel Guevarra, OIC, SCAS sa ilalim ng pamumuno ni PCol Roman Arugay, COP, Pasig City Police Station nito lamang Lunes, Marso 28, 2022 sa Purok 4, Barangay Ugong, Pasig City.
Aktibong lumahok sa pagsasaayos ng mga bahay at pagpipinta ng mural ang mga mamamayan ng Pasig kaagapay ang mga Pulis Pasig, CCF-Tulong Tayo, SIPAG Community, LGU at Barangay Ugong bilang bahagi ng proyektong “A Community Makeover” na may kabuuang 80 katao ang sumali.
Bahagi ng nasabing aktibidad ang pamamahagi ng mga meryenda, mga lutong pagkain at dishwashing liquid na mapapakinabangan ng mahigit 150 katao.
Layon ng aktibidad na ito ay hindi lamang bigyang lakas ang mga marginalized na miyembro ng komunidad kundi mapahusay ang mabuting pakikisama at maisagawa ang diwa ng bayanihan. (PIO-Pasig PNP / Isinalin sa Tagalog ni NUP Loreto B. Concepcion)
###
Serbisyong publiko salamat PNP