San Juan City — Inilunsad sa San Juan ang malawakang Community Engagement na LAB FOR ALL Barangay CARAVAN na ginanap sa Multi-Purpose Hall, Brgy. Batis, San Juan City nito lamang umaga ng Miyerkules, Setyembre 13, 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Francis Allan Reglos, Chief of Police, kasama ang iba pang tauhan ng San Juan CPS na nagbigay ng perimeter security, public safety assistance, traffic direction, at Basic Services tulad ng awareness lecture at pamamahagi ng flyers sa mga dumalo.
Gayundin, ang kaganapan ay nilahukan din ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at San Juan LGU Departments na siya namang nagbigay ng One-stop shop para sa mga pangunahing serbisyong pampubliko tulad ng libreng bunot ng ngipin, libreng gamot, COVID Booster shot, Human Papillomavirus vaccine shot, Flu Vaccine shot, Libreng Legal, Marriage and Family Planning Counseling, libreng konsulta sa mga may problema sa Birth, Marriage, at Death Certificate, Feeding program, On-site tax payments, Libreng Gupit ng buhok, Financial, Medical at Burial Assistance application, Libreng Anti-rabies na bakuna, Registration para sa PWD at Senior Citizen ID, Skills Registry at Local recruitment activity, at pamamahagi ng San Juan City Health Card at Solo parent ID application assistance.
Layunin nitong palakasin ang partnership ng pulisya, komunidad, at LGU at patatagin ang tiwala ng komunidad alinsunod sa limang (5) Focused Agenda ni Chief PNP, para sa mas pinasaya at mas epektibong puwersa ng pulisya.
Source: Sanjuancity Pulis
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos