Friday, December 27, 2024

Communist Terrorist Group Member, nagbalik-loob sa pamahalaan sa Samar

Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group sa himpilan ng 802nd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8 sa Barangay Canticum, Calbiga, Samar nito lamang ika-23 ng Disyembre 2024.

Kinilala ni Police Major Marval S Diaz, Company Commander ng 802nd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8, ang nagbalik-loob na si alyas “Pandoy”, 68 anyos, magsasaka at residente ng Barangay Magdawat, Pinabacdao, Samar.

Ang pagbabalik-loob ay resulta ng matagumpay na panawagan at pagsisikap ng mga tauhan ng 802nd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 8 kasama ang 2nd Samar Provincial Mobile Force Company at Pinabacdao Municipal Police Station.

Samantala, nakatanggap naman ang nagbalik-loob ng agarang tulong pinansyal at food packs mula sa mga kapulisan.

Ang nasabing surrenderee ay nasa kustodiya na ng 802nd Maneuver Company, RMFB 8 para sa facilitation ng kanyang posibleng enrollment sa programa ng ating gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.

Patuloy na nananawagan ang Pambansang Pulisya sa mamamayan na makiisa at makipagtulungan upang labanan ang insurhensiya at hikayatin ang iba pang mga miyembro at tagasuporta ng CTGs na magbalik-loob sa ating pamahalaan, magbagong buhay kasama ang pamilya at patuloy na sumuporta sa ating gobyerno.

Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian

Leave a Reply

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,330SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles