Boluntaryong nagbalik-loob sa pamahalaan ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group sa Barangay Paguiti, Lope de Vega, Northern Samar nito lamang Nobyembre 07, 2024.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Edwin M Oloan Jr., Force Commander ng 2nd Northern Samar Provincial Mobile Force Company, ang nagbalik-loob sa na si alyas “Isko”, 53 anyos, magsasaka na residente ng Barangay Lourdes, Las Navas, Northern Samar at miyembro ng FC 2, SRC EMPORIUM, EVRPC.
Ang pagbabalik-loob ay resulta ng matagumpay na panawagan at pagsisikap ng mga tauhan ng 2nd Northern Samar Provincial Mobile Force Company kasama ang 1st Northern Samar Provincial Mobile Force Company, 122nd Special Action Company, 12 Special Action Battalion, PNP-SAF, Northern Samar Police Provincial Office- Provincial Intelligence Unit at Lope De Vega Municipal Police Station.
Ang nasabing surrenderee ay nasa kustodiya na ng 2nd Northern Samar PMFC para sa facilitation ng kaniyang posibleng enrollment sa programa ng ating gobyerno na Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.
Hinihikayat ng PNP ang iba pang mga miyembro at tagasuporta ng CTGs na iwaksi na ang maling ideolohiya at magbalik-loob sa pamahalaan upang patuloy na sumuporta sa mga programa ng ating gobyerno tungo sa pagkamit ng isang payapa, ligtas at maunlad na Bagong Pilipinas.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Elena B Singian