Nagsagawa ng Command Visit si Police General Guillermo Lorenzo Eleazar sa Nueva Ecija Police Provincial Office (PPO) noong Setyembre 17, 2021.
Tumungo siya sa iba’t ibang istasyon ng pulisya upang magkita ang implimentasyon ng programang Intensive Cleanliness Policy ng PNP. Kabilang sa mga ininspeksyon ang San Antonio Municipal Police Station (MPS), San Leonardo MPS, Cabanatuan City Police Station (CPS) at Palayan CPS.
Pinangunahan din ni PGen Eleazar, kasama ang kanyang maybahay na si Ms. Rosalie “Lally” Eleazar, ang blessing at inauguration ng Guadalupe Women Center sa Ako Ang Saklay Inc. ng San Antonio, Nueva Ecija.
Samantala, sa pagbisita ng hepe sa Nueva Ecija PPO ay binigyang-parangal niya ang ang mga deserving PNP personnel na nagpamalas ng mga natatanging gawa sa dapat pamarisan ng iba pang mga kapulisan.
Gayundin, nanumpa ang mga miyembro at lider ng National Coalition of Lingkod Bayan Advocacy Support Groups and Force Multipliers sa ginanap na simpleng seremonya at namahagi ng food packs sa nagbalik-loob na mga dating rebelde.