Binisita ni NCRPO Regional Director, PMGen Vicente D Danao, Jr ang limang (5) distrito ng NCRPO, ang Northern Police District (NPD), Eastern Police District (EPD), Manila Police District (MPD), Southern Police District (SPD) at Quezon City Police District (QCPD) o NEMSQ noong huling Linggo ng Oktubre 2021, kasama sina PBGen Benjamin C Acorda Jr, Deputy Regional Director for Administration; at PBGen Jon Arandia Arnaldo, Deputy Regional Director for Operations.
Sa naturang pagbisita, naganap ang iba’t ibang programa at aktibidad mula Oktubre 22-27, 2021: ang Blessing at inagurasyon ng Sambisig Lounge sa SPD, Awarding Ceremony para sa mga tauhan ng QCPD sa pagkilala sa kanilang mga pagsisikap sa seguridad at kaligtasan ng publiko ng lungsod, Oath taking at Donning of Ranks sa tatlong (3) Police Colonel ng EPD, kinilala naman ni RD Danao ang dedikasyon ng mga tauhan ng NPD sa patuloy na paghahangad para sa kapayapaan at kaayusan sa panahon ng kanyang “Talk to Men.” Nang kanyang bisitahin ang MPD kung saan minsan siyang nagsilbi bilang District Director, kinausap niya ang kanyang mga tauhan at inulit ang mahigpit na pagpapatupad ng Oplan LITIS, Linisin, Litisin, Tiwali, Tamad at Iskalawag sa loob ng hanay.
Ang nasabing pagbisita sa bawat distrito ay sinundan ng command conference kung saan tinalakay ang mga accomplishment, plano at programa ng bawat distrito kasama ng mga staff, supporting units, station commanders, precinct commanders at iba pang Police Commissioned Officers.
“Ginagawa natin ang pagbisita upang mag-inspeksyon at makausap ang ating mga tauhan. At ito ay para makita natin ang kahandaan, mga nakalatag na plano at deployment ng bawat distrito para sa mga event na parating,” ani PMGen Danao.
Serbisyong ????: ?????, ?????? ?? ??? ????????? ???? ?? ?????????.
####
Article by Patrolwoman Nica V Segaya