Naging matagumpay at payapa ang pagbisita ni Philippine National Police Chief, Police General Guillermo Lorenzo T Eleazar sa Lalawigan ng Calapan kung saan siya ay mainit na sinalubong at malugod na tinanggap ng kapulisan ng Oriental Mindoro sa pangunguna ni PBGen Nelson B Bondoc, Regional Director ng PRO MIMAROPA. Pinangunahan ni Chief, PNP ang paggawad ng parangal sa mga outstanding PNP personnel ng nasabing rehiyon.
Pinangunahan din niya ang Blessing and Unveiling ng Police Regional Office MIMAROPA Eco-Warrior Wall kasama ang Command Group, Regional Staff, National Support Units at mga miyembro ng media kasunod ang Demilitarisasyon ng mga nakumpiska, nabawi at sinurender na mga baril ng Communist Terrorist Groups (CTG) at Blessing and Inauguration ng Power House 250KVA Generator Set, Nurse Station and WCPD Office.
Binisita din niya ang Calapan City Police Station para makita kung maayos na ipinapatupad ang Intensified Cleanliness Policy at nagagalak din niyang nalaman na bakunado na kontra COVID-19 ang mga kapulisan ng naturang istasyon.
Tinungo din nila kasama ng kanyang maybahay na si Gng. Lally Eleazar ang Apostolic Administrator of Apostolic Vicariated of Calapan na si Reverend Father Nestor Adalia upang humingi ng dasal, bendisyon, at patnubay lalo na’t nalalapit na ang kanyang pagreretiro sa serbisyo.
Nakausap din nila si Congressman Doy Leachon at Vice Governor Antonio Perez para kamustahin ang peace and order sa Oriental Mindoro.
Bilang bahagi ng kanyang pagbisita sa MIMAROPA, pinuntahan din niya ang Occidental Mindoro Police Provincial Office para parangalan ang mga natatanging PNP personnel at pasinayaan ang bagong ayos na firing range at nagsagawa ng inspeksyon sa San Jose Municipal Police Station alinsunod sa ating Intensified Cleanliness Policy.
####
Article by Patrolman Mark M Manuba