Bilang bahagi ng opisyal na command visit, bumisita si Police Brigadier General Antonio P. Marallag, Jr., Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 2 upang tiyakin na natutupad ang mga layunin ng administratibo at operasyonal, gayundin upang suriin ang kalagayan ng mga tauhan sa pagtupad ng kanilang tungkulin sa Santiago City Police Office (SCPO) nito lamang ika-21 ng Abril, 2025.

Kabilang sa mga tampok ng pagbisita ni PBGen Marallag, Jr. ang pormal na inagurasyon ng bagong tayong gusali ng Police Station 4 sa isang 500-square-meter na lote sa Barangay Batal, Santiago City.
Sa kanyang mensahe, nagpasalamat si PBGen Marallag, Jr. sa nagkaloob ng lote at binigyang-diin ang kahalagahan ng pagtutulungan ng Philippine National Police, mga lokal na pamahalaan, at ng komunidad sa pagpapaigting ng kapayapaan at kaayusan sa lungsod ng Santiago.
Dagdag pa rito, hinikayat niya ang mga miyembro ng SCPO na isabuhay ang mga pangunahing pagpapahalaga tulad ng katapatan, sinseridad, integridad, at kababaang-loob.
Paalala rin niya ang palagiang paggalang sa Chain of Command bilang bahagi ng disiplina sa serbisyo.
Ang matagumpay na aktibidad na ito ay isang malinaw na halimbawa ng pagkakaisa ng iba’t ibang sektor para sa kapakanan at seguridad ng mamamayan ng Santiago City.
Source: PRO2