Ligtas at matagumpay ang naging pagbisita ni Police Liuetenant General Rhodel Sermonia, The Deputy Chief PNP for Administration (TDCA) sa Camp Guillermo Nakar Lucena City, Quezon nito lamang ika-19 ng Disyembre 2023.

Mainit ang naging pagtanggap ni Police Colonel Ledon Monte, Provincial Director ng Quezon Police Provincial Office kay PLtGen Sermonia kasama ang mga bumubuo ng NSUs, at miyembro ng Armed Forces of the Philippines.

Pinuri ni PLtGen Sermonia ang mga miyembro ng Quezon PPO sa pagiging tapat na paninilbihan sa bayan kung kaya’t inulit ang kahalagahan ng pagtataguyod sa mga tungkulin at responsibilidad ng buong puso, my dignidad at disiplina at takot sa Diyos.
Tugon naman ni PCol Monte na patuloy na pagtibayin ng kanyang mga tauhan ang ugnayang pulisya at mamamayan tungo sa magandang samahan para itaguyod ang minimithing mapayapa, masagana at ligtas na probinsya.
Source: Quezon Police Provincial Office
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel T Dulin