Naging matagumpay ang idinaos na Command Visit at Sentimental Journey ni Police Lieutenant General Rhodel Sermonia, The Acting Deputy Chief PNP for Administration na ginanap sa Camp Cirilo Tolentino, Balanga City, Bataan nito lamang ika-24 ng Enero 2024.
Mainit na sinalubong ng mga tauhan ng Bataan PNP si PLtGen Sermonia sa pamumuno ni Police Colonel Palmer Tria, Provincial Director, kung saan dinaluhan ito ng kanyang pamilya, mga opisyal ng PNP at mga miyembro ng Lingkod Bayan Advocacy Support Groups and Force Multipliers.

Sa naging mensahe ni PLtGen Sermonia ay kanyang nabanggit ang tatlong tagubilin para sa Philippine National Police, una, isapuso ang paglilingkod; pangalawa, sundin ang utos ng Pangulo; at pangatlo, embrace the Transparency and Integrity Program.

Ilan naman sa mga naging programa ng Bataan ang kanyang ibinida ay ang “Balik-loob Program, Nationwide Template at ang kontribusyon ng KKDAT Bataan laban sa terorismo.
Si PLtGen Sermonia ay ang pangalawang pinakamataas na opisyal ng Philippine National Police at pinagmamalaking dati itong Regional Director ng Police Regional Office 3, ang kanyang pagbisita sa naturang probinsya ay mag-iiwan ng inspirasyon at legasiya para sa Bataan PNP na mas pagbutihin ang pagpapatupad ng kanilang sinumpaang tungkulin na magsilbi sa bayan at sa mamamayan.
Panulat ni Patrolwoman Lixen Reyz A Saweran