Naging makabuluhan ang pagbisita ni PLtGen Rhodel O Sermonia, The Acting Deputy Chief PNP for Administration (TADCA) para sa kanyang Command Visit at Sentimental Journey sa Camp BGen Simeon A Ola, Legazpi City, Albay nito lamang Enero 9, 2024.

Mainit ang naging pagtanggap ng PRO5 kay PLtGen Sermonia sa pangunguna ni PBGen Andre Dizon, Acting Regional Director kasama ang Command Group, Chiefs of Regional Support Units at mga miyembro ng Advocacy Support Group ng PRO5.

Sa naging mensahe ni PLtGen Sermonia ay pinaalalahanan niya ang bawat miyembro ng Philippine National Police na isapuso ang paglilingkod, pagsunod sa utos ng ating Presidente at lubos na maunawaan at isapuso ang programang “Transparency, Integrity, Accountability and Public Trust” na isang pamanang gusto niyang iwan para sa mga kawani ng PNP.
Samantala, sa mensaheng ibinigay ni PBGen Dizon, ginunita naman niya ang mga naging kontribusyon ni PLtGen Sermonia sa larangan ng pagpapatupad ng batas.