Ipinatupad ang Commission on Election o COMELEC Gunban at PNP Checkpoints sa lungsod ng Cotabato City nito lamang ika-12 ng Enero 2025.
Pinangunahan ni Police Colonel Jibin Boncayao, City Director ng Cotabato City Police Office, ang pagpapatupad ng naturang direktiba katuwang ang COMELEC Commission at Philippine Navy.
Nagbigay ng paalala si PCol Boncayao na mahigpit na ipatutupad ang di pagdadala ng mga armas at iba pang uri ng deadly weapons alinsunod sa mga alituntunin ng COMELEC gun ban.
Pinaalalahanan din ang publiko na makiisa at sumunod sa mga regulasyong inilatag upang masiguro ang maayos at payapang Mid-term Election 2025.
Ang operasyon ay bahagi ng mas pinaigting na kampanya laban sa mga iligal na aktibidad, kabilang ang mga loose firearms, upang mapanatili ang kapayapaan sa lungsod. Inaasahan na magiging tuloy-tuloy ang pagsasagawa ng mga checkpoint sa iba’t ibang bahagi ng Cotabato City hanggang matapos ang election period.
Panulat ni Patrolwoman Ma. Señora Agbuya