Pampanga – Mahigpit na pinaigting ng mga tauhan ng Police Regional Office 3 ang COMELEC Checkpoint Operations sa iba’t ibang probinsya, syudad, at munisipalidad sa Gitnang Luzon nito lamang Lunes, ika-28 ng Agosto 2023.
Pinamunuan ito nina Police Brigadier General Jose Santiago Hidalgo Jr, Regional Director ng Police Regional Office 3 at Atty Temie Lambino, Regional Elections Director Ng Commission on Election 3, na kung saan kanilang ininspeksyon ang nasabing operasyon sa Sto. Thomas at City of San Fernando, Pampanga.
Ayon kay PBGen Hidalgo, tinatayang 146 checkpoints ang nakalatag at 1,200 ang nakatalaga na pulis sa iba’t ibang bahagi ng Central Luzon upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente at seguridad sa nalalapit na Barangay and Sanguniang Kabataan Election (BSKE) 2023.
Nagbigay paalala ang Ama ng Police Regional Office 3 sa kanyang mga tauhan na sumunod sa Police Operational Procedure at igalang ang pangunahing karapatan ng mga mamamayan.
Kasabay ng mahigpit na Checkpoint Operation ay naharang ang isang motorista sa Morong, Bataan na kung saan nahulihan ng improvised na baril, mga bala at ilegal na droga at nahaharap sa kaukulang kaso kaugnay sa ipinapatupad na COMELEC Gun Ban.
Paalala ng Police Regional Office 3 sa ating mga kababayan na tayo po ay makipagtulungan sa ating pulisya para sa kapayapaan at ligtas na eleksyon.