Tawi-tawi – Mahigpit na pinaigting ng mga tauhan ng Bongao Municipal Police Station ang COMELEC Checkpoint sa kanilang nasasakupan sa Brgy. Pag-asa, Bongao, Tawi-tawi nito lamang Lunes, ika-11 ng Setyembre 2023.
Ito ay sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Roy Zantua, Officer-In-Charge ng Bongao Municipal Police Station.
Ito ang hakbang ng Bongao PNP sa pagpapanatili ng kaayusan, katahimikan at paghahanda sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections 2023.
Hinikayat naman ni PLtCol Zantua ang mamamayan na sumunod sa mga alituntunin sa pagpapatupad ng COMELEC Checkpoint at sinisiguro nito ang kaligtasan ng bawat isa habang pinaigting ang kampanya laban sa ilegal na droga, karahasan, insurhensiya, terorismo at kriminalidad tungo sa pagkamit ng kaunlaran sa ating pamayanan.
Source: Bongao Municipal Police Station
Panulat ni PSSg Grace Neville Ortiz