Aurora – Mahigpit na ipinatupad ng Aurora 1st Provincial Mobile Force Company ang COMELEC Checkpoint Operation sa kahabaan ng Brgy. Galintuja, Maria Aurora, Aurora nito lamang Biyernes, ika-27 ng Oktubre 2023.
Pinamunuan ito ni Police Major Jeffrey Onde, Acting Force Commander ng Aurora 1st Provincial Mobile Force Company.

Ang nasabing operasyon ay kaugnay sa pagpapanatili ng kaayusan at mahigpit na seguridad sa nalalapit na Barangay and Sangguniang Kabataan Elections 2023.
Paalala ng Aurora PNP sa ating mga kababayan na sumunod sa ipinatutupad na batas para sa maayos at patas na botohan sa darating na halalan.
Source: Aurora 1st PMFC
Panulat ni PCpl Jeselle V Rivera